3 Dugo ng bayan mo'yibinubo nila, sa buong palibot nitong Jerusalem,katulad ay tubig; sa dami ng patay ay walang maglibing.
4 Ang karatig-bansangdoo'y nakasaksi, kami'y kinutya at nagtatawa sila,lahat sa palibot ay humahalakhak sa gayong nakita.
5 Iyang iyong galitsa amin, O Yahweh, hanggang kailan ba kaya matatapos?Di na ba titigil ang pagkagalit mong sa ami'y tutupok?
6 Doon mo ibalingang matinding galit sa maraming bansang ayaw kang kilanlin,mga kahariang ang banal mong ngala'y ayaw na tawagin.
7 Masdan ang ginawanila sa bayan mo, ang mga lingkod mo ay pinatay nila,pati ang tahanan nila ay winasak, walang itinira.
8 Huwag mong parusahankaming mga anak, sa pagkakasala ng aming magulang,ikaw ay mahabag sa mga lingkod mong pag-asa'y pumanaw.
9 Mahabag ka sana,kami ay tulungan, Diyos na aming Tagapagligtas,dahil sa ngalan mo, kaming nagkasala'y patawaring ganap;at sa karangalan ng iyong pangalan, kami ay iligtas.