9 Mahabag ka sana,kami ay tulungan, Diyos na aming Tagapagligtas,dahil sa ngalan mo, kaming nagkasala'y patawaring ganap;at sa karangalan ng iyong pangalan, kami ay iligtas.
10 Bakit magtatanongitong mga bansa ng katagang ito: “Ang Diyos mo'y nasaan?”Ipaghiganti mo ang mga lingkod mong kanilang pinatay,ang pagpaparusa'y iyong ipakita sa iyong mga hirang.
11 Iyong kahabaganang mga bilanggong kanilang hinuli, dinggin mo ang daing,sa taglay mong lakas, iligtas mo silang takdang papatayin.
12 Iyong parusahanyaong mga bansang sa iyo, O Yahweh, lumalapastangan,parusahan sila ng pitong ibayo sa gawang pag-uyam.
13 Kaya nga, O Yahweh,kaming iyong lingkod, parang mga tupa sa iyong pastulan,magpupuring lagi't magpapasalamat sa iyong pangalan!