3 Pinagmasdan ko ang langit na gawa ng iyong kamay,pati ang buwan at mga bituin na iyong inilagay.
4 Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan;o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan?
5 Nilikha mo siyang mababa sa iyo nang kaunti,pinuspos mo siya ng dangal at ng luwalhati.
6 Ginawa mo siyang pinuno ng lahat ng iyong nilikha,sa lahat ng mga bagay, siya ang iyong pinamahala:
7 mga tupa at kawan pati na ang mababangis,
8 lahat ng ibong lumilipad, at mga isda sa karagatan,at lahat ng nilikhang nasa karagatan.
9 O Yahweh, na aming Panginoon,sa buong mundo'y tunay kang dakila!