5 Nagkakaisang lahat, sila ay nagplano,kanilang pasya ay lumaban sa iyo.
6 Ang lahi ni Edom at ang Ismaelita,Moab at Agarenos lahat nagkaisa.
7 Ang Gebal at Ammon gayon din ang pasya,Amalek at Tiro at ang Filistia.
8 Pati ang Asiria'y nakipagsabwatan,sa lahi ni Lot, nakipagtulungan. (Selah)
9 Mga bansang ito'y iyong parusahan, tulad ng parusang ginawa sa Midian,kay Jabi't Siserang nalupig sa laban nang sa Ilog Kison, buhay winakasan.
10 Pinatay lahat at ang hukbo'y nawasak,sa Endor, ang bangkay nila ay nagkalat.
11 Yaong mga bantog nilang punong-kawal, kay Oreb at Zeeb iparis ang buhay.Lupigin mong lahat ang pinuno nila tulad ng sinapit ni Zeba't Zalmuna,