3 Panginoon, sa templo mo, mga maya'y nagpupugad,maging ibong layang-layang sa templo mo'y nagagalak,may inakay na kalinga sa tabi ng iyong altar;O Yahweh, hari namin at Diyos na walang hanggan.
4 Mapalad na masasabi, silang doo'y tumatahanat palaging umaawit, nagpupuring walang hanggan. (Selah)
5 Ang sa iyo umaasa'y masasabing mapalad din,silang mga naghahangad, sa Zion ay makarating.
6 Habang sila'y naglalakbay sa tigang na kapatagan,tuyong lupa'y binabaha sa maagap na pag-ulan.
7 Habang sila'y lumalakad, lalo silang lumalakas,batid nilang nasa Zion ang Diyos nilang hinahanap.
8 Dinggin mo ang dalangin ko, O Yahweh, Makapangyarihang Diyos,O ikaw na Diyos ni Jacob, dinggin mo ang iyong lingkod. (Selah)
9 Basbasan mo, aming Diyos, itong hari naming mahal,pagpalain mo po siya pagkat ikaw ang humirang.