12 O Panginoong Diyos, buong puso'y laan, pupurihin kita magpakailanmanat ihahayag ko, iyong kadakilaan.
13 O pagkadakila! Pag-ibig mong wagas, dahil sa pag-ibig, ako'y iniligtas;di hinayaang masadlak sa daigdig ng mga patay.
14 Mayroong mga taong ayaw kang kilanlin,taong mararahas, na ang adhikainay labanan ako't ang buhay ay kitlin.
15 Ngunit ikaw, Panginoon, tunay na mabait,wagas ang pag-ibig, di madaling magalit,lubhang mahabagi't banayad magalit.
16 Pansinin mo ako, iyong kahabagan,iligtas mo ako't bigyang kalakasan,pagkat ako'y lingkod mo rin tulad ng aking nanay.
17 Pagtulong sa aki'y iyong patunayan;upang mapahiya ang aking kaaway,kung makita nilang mayroong katibayan na ako'y inaliw mo at tinulungan!