9 Ang lahat ng bansa na iyong nilalang,lalapit sa iyo't magbibigay galang;sila'y magpupuri sa iyong pangalan.
10 Pagkat ikaw lamang ang Diyos na dakilana anumang gawin ay kahanga-hanga!
11 Ang kalooban mo'y ituro sa akin,at tapat ang puso ko na ito'y susundin;turuang maglingkod nang buong taimtim.
12 O Panginoong Diyos, buong puso'y laan, pupurihin kita magpakailanmanat ihahayag ko, iyong kadakilaan.
13 O pagkadakila! Pag-ibig mong wagas, dahil sa pag-ibig, ako'y iniligtas;di hinayaang masadlak sa daigdig ng mga patay.
14 Mayroong mga taong ayaw kang kilanlin,taong mararahas, na ang adhikainay labanan ako't ang buhay ay kitlin.
15 Ngunit ikaw, Panginoon, tunay na mabait,wagas ang pag-ibig, di madaling magalit,lubhang mahabagi't banayad magalit.