4 Patas at makatarungan ka sa iyong paghatol,matuwid kong panig ay iyong ipinagtanggol.
5 Binalaan mo ang mga bansa, nilipol ang masasama;binura mo silang lahat sa balat ng lupa.
6 Ang mga kalaban nami'y naglaho nang lubusan,ang kanilang mga lunsod, iyo nang winakasan,at sa aming alaala'y nalimot nang tuluyan.
7 Ngunit si Yahweh ay naghaharing walang putol,itinatag niya ang kanyang trono para sa paghahatol.
8 Pinapamahalaan niya ang daigdig ayon sa katuwiran,hinahatulan niya ang mga bansa ayon sa katarungan.
9 Si Yahweh ang takbuhan ng mga pinahihirapan,matibay na kanlungan sa oras ng kaguluhan.
10 Nananalig sa iyo Yahweh, ang kumikilala sa iyong pangalan,dahil wala pang lumapit sa iyo na iyong tinanggihan.