1 Panginoon naming Diyos, ikaw ang aming tahanan,buhat pa nang simulang lumitaw ang aming angkan.
2 Wala pa ang mga bundok, hindi mo pa nilalalang,hindi mo pa nililikha itong buong daigdigan,ikaw noon ay Diyos na,pagkat ika'y walang hanggan.
3 Yaong taong nilikha mo'y bumabalik sa alabok,sa lupa ay nagbabalik kapag iyong iniutos.
4 Ang sanlibong mga taon ay para bang isang araw,sa mata mo, Panginoon, isang kisap-mata lamang;isang saglit sa magdamag na ito ay dumaraan.
5 Mga tao'y pumapanaw na para mong winawalis,parang damo sa umagang tumubo sa panaginip.
6 Parang damong tumutubo, may taglay na bulaklak,kung gumabi'y nalalanta't bulaklak ay nalalagas.
7 Sa tindi ng iyong galit, para kaming nauupos,sa simbuyo ng galit mo'y lubos kaming natatakot.