1 Tayo na't lumapitkay Yahweh na Diyos, siya ay awitan,ang batong kublihan,atin ngang handugan, masayang awitan!
2 Tayo na't lumapit,sa kanyang presensya na may pasalamat,siya ay purihin,ng mga awiting may tuwa at galak.
3 Sapagkat si Yahweh,siya ay dakila't makapangyarihang Diyos,ang dakilang Haringhigit pa sa sinuman na dinidiyos.
4 Nasa kanyang paladang buong daigdig, pati kalaliman;ang lahat ay kanyamaging ang mataas nating kabundukan.
5 Kanya rin ang dagatat pati ang lupa na kanyang nilalang.
6 Tayo na't lumapit,sa kanya'y sumamba at magbigay-galang,lumuhod sa harapni Yahweh na siyang sa ati'y may lalang.
7 Siya ang ating Diyos,at tayo ang bayan sa kanyang pastulan,mga tupang kanyang inaalagaan.At ngayon kanyang salita'y ating pakinggan: