1 Si Yahweh ay naghahari kaya't sa takot ay,mga tao'y nanginginig,trono'y sa ibabaw ng mga kerubin,kaya daigdig ay nayayanig.
2 Si Yahweh'y dakilang tunay, sa Zion o sa mga bansa,si Yahweh ang naghahari sa lahat ng mga nilikha.
3 Purihin natin ang banal at dakila niyang ngalan,si Yahweh ay banal!
4 Ikaw ay dakilang Hari, umiibig sa katuwiran,ang dulot mo sa Israel ay ganap na katarungan;ang dulot mo sa kanila ay pagtinging pantay-pantay.