2 Si Yahweh'y dakilang tunay, sa Zion o sa mga bansa,si Yahweh ang naghahari sa lahat ng mga nilikha.
3 Purihin natin ang banal at dakila niyang ngalan,si Yahweh ay banal!
4 Ikaw ay dakilang Hari, umiibig sa katuwiran,ang dulot mo sa Israel ay ganap na katarungan;ang dulot mo sa kanila ay pagtinging pantay-pantay.
5 Si Yahweh na ating Diyos ay lubos na parangalan;sa harap ng kanyang trono, tayo ay manambahan!Si Yahweh ay banal!
6 Si Moises at si Aaron, na mga pari niya;at si Samuel nama'y lingkod na sa kanya ay sumamba;nang si Yahweh'y dalanginan, dininig naman sila.
7 Si Yahweh ay nagsalita sa isang haliging ulap;sila naman ay nakinig utos niya ay tinupad.
8 O Yahweh na aming Diyos, sinagot mo sila agad,at ikaw ay nakilalang Diyos na mapagpatawad;ngunit pinagdurusa mo kung ang gawa'y hindi tumpak.